Saan to banda? Mula Naval, ang capital town ng Biliran, mga 40 minutes lang sa motorsiklo, daan ng crosscountry, papuntang Culaba. Kahit di summer, safe na maligo dito.
Dinig ko no'ng high school pa ako na wala raw yan sa dami ng panahon na nadapa ka, nasa dami raw yan ng pagkakataon na bumangon ka. Magaling ang nagsabi nito. Nagbibigay lakas-loob sa mga taong nagkakamali rin sa pagharap sa pagsubok ng buhay habang pilit na inaabot ang pangarap. Pero di yan totoo sa kaso ng kahoy na ito. Matatagpuan sa tabing-dagat ng Barangay Pinamihagan, Culaba, Biliran. Eto talaga hometown ko. Sa katandaan at sa dami ng unos na dumaan, di na nito nakayanang tumayo pa at ito’y bumigay na. Hinayaan ng tao na ganito na lamang ito, nalagas ang mga dahon, natuyo ang mga balat, iniwan na parang nakatihaya na lamang sa tabi-tabi. Nasayang ba ang pagkakataon ng kahoy na ito? Nadapa, di na nakabangon. Pero di d'yan nagtatapos ang kwento nito. Kung nagsara man ang pinto ng kahoy na ito na magbigay lilim sa mga naliligo, bumukas naman ang isang bintana ng ibang pagkakataon. Pagkakataon na makapagbigay sigla sa taong pagod at naghanap ng mauupuan. At kung dati, lublob agad ang mga taong naliligo sa dagat dito, ngayon ang tumbang-kahoy na 'to sa tabing-dagat ay naging photoshoot location, obstacle race, jumping board, scenery enhancer, landmark. Ewan ko ba, ganito lang talaga siguro ako. Pag di pinapansin, napapansin ko. Ang eyesore sa iba, eyewitness sa kin. Nabibigyan ko ng kulay ang mga patay na kahoy. Kaya ang lugar na to ay naging paborito naming beach resort. Saan to banda? Mula Naval, ang capital town ng Biliran, mga 40 minutes lang sa motorsiklo, daan ng crosscountry, papuntang Culaba. Kahit di summer, safe na maligo dito. |
boris p pascubillohe writes to affirm desiderata's with all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world. he makes photographs to shoutout that when God created this homeland, He saw that it was good. Archives
March 2016
Categories
All
|